Nakahanda ang Commission on Elections o COMELEC na isa ilalim sa COMELEC Control ang Socorro, Surigao del Norte.
Sa Bagong Pilipinas, sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na ito ay para walang maging hadlang sa gagawing Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa nasabing lugar.
Pero, nilinaw ni Laudiangco na wala pang opisyal na deklarasyon ang COMELEC kaugnay rito.
Sa ngayon kasi ay patuloy pa lamang kasi silang lumilikom ng report mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa mga aktibidad ng diumano’y kulto sa lugar na pinamumunuan umano ng kanilang lider na si Senior Aguila o si Jay Rence Quilario.
Dagdag pa ni Laudiangco, kahapon ay nagsimula na sila sa pagtatatag ng checkpoints sa lugar at ang pagpapaigting ng pagpapatupad ng gun ban at iba pang iligal na gawain kaugnay sa BSKE.
Mayroon na rin aniyang mga kandidato sa Socorro na nakipag-usap sa kanilang COMELEC officers para humingi ng seguridad.