Sofitel Philippine Plaza at mga manggagawang maaapektuhan ng pagsasara nito, nagkaroon na ng kasunduan

Nagkaroon na ng kasunduan ang pamunuan ng Sofitel Philippine Plaza at unyon ng manggagawang maaapektuhan ng pagsasara nito.

Ito’y sa tulong ng mga opisyal ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) at Formal Labor and Migrant Workers Sectoral Council (FLMWSC) kung saan si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma ang tumayong mediator sa usapin ng magkabilang panig.

Isa sa mga nakapagkasunduan ay mananatili ang mga empleyado bilang mga trabahador ng hotel kapag ito ay muling binuksan.


Partikular na papayagan na makabalik ang mga empleyado na hindi nag-avail na inalok ng Philippine Plaza Holdings Inc. (PPHI) na may-ari ng naturang hotel.

Kasama rin sa napagkasunduan na walang magiging pagbabago sa estado ng trabaho ng mga empleyado kabilang ang pagiging seniority at pribilehiyo sa ilalim ng collective bargaining agreement (CBA).

Ang National Conciliation and Mediation Board (NCMB) at DOLE ang bahalang mag-monitor sa naging usapan gayundin ang pagpapatupad ng napagkasunduan ng Sofitel at mga manggagawa nito.

Facebook Comments