Magsisimula na ngayong araw ang soft launching ng Digital Vaccination Certificate (VaxCertPH) para sa mga fully vaccinated.
Ang VaxCertPh ay isang portal at mobile app na ginawa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na layong pag-isahin ang lahat ng COVID-19 vaccination cards na ibinibigay ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.
Tiniyak naman ni Bureau of Quarantine (BOC) Director III Dr. Roberto Salvador Dr. na mayroong security features ang vaccination certificate kaya hindi ito mapepeke.
Sa ngayon, mga international travelers muna gaya ng mga OFW ang mabibigyan ng VaxCert.
Target naman ilunsad ang full implementation nito sa Oktubre.
Matatandaang umugong ang mga panawagang magkaroon ng unified vaccine card makaraang hindi papasukin sa Hong Kong ang daan-daang OFW kahit sila ay fully vaccinated na.