Muling nanindigan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na tanging 19,000 turista lamang ang pwedeng makapasok ng Boracay sa reopening nito sa October 26.
Ayon kay DILG OIC Eduardo Año – ibinase nila ang bilang sa carrying capacity ng isla kasama na ang bilang ng mga manggagawa ang mga residente.
Base aniya sa initial reports, ang carrying capacity ng Boracay ay nasa 55,000.
Iginiit din ni Año na ang festivities at parties gaya ng ‘Laboracay’ ay hindi pwedeng isagawa sa isla dahil nagdudulot ito ng overpopulation sa isla.
Ipagbabawal na rin ang paninigarilyo at pag-inom ng alak sa white beach.
Facebook Comments