SOFT OPENING | Guidelines para sa mga papasok sa Boracay, nakalatag na

Aklan – Nakalatag na ang guidelines para sa mga lokal na turistang bibisita sa Boracay sa soft opening nito sa October 15.

Ayon kay Niven Maquirang, Caticlan-Cagbang Jetty Port Manager – inaprubahan ng Boracay interagency task force ang guidelines na ipapatupad sa 11-day dry run bago ang reopening nito sa October 26.

Nakapaloob sa guidelines ang entry at exit point para sa mga turista, manggagawa at residente.


Ang mga turista at residente ay bababa sa Caticlan Jetty Port Terminal para sumakay ng barko patungo sa isla.

Tatlo ang drop-off points: Station 2, Station 3 o Cagban Port.

Ang mga manggagawa naman ay sasakay ng barko sa isang reclamation area patungo sa isla at ibababa sila sa Manoc-Manoc Port, sa likod ng barangay hall.

Pansamantala munang walang welcome center.

Papayagan naman ang mga shuttle services na sunduin ang kanilang guest sa bawat drop-off point.

Ang docking time sa beach front ay mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Nilinaw din ni Maquirang na tanging mga residente lang ng Aklan ang papayagang makapasok sa isla sa unang araw ng soft opening.

Sa mga susuod na araw ay bibigyan na rin ng access sa isla ang mga iba pang local tourist o mga residente sa Western Visayas.

Sa araw naman ng reopening, maari nang makapasok sa isla ang lahat ng mga turista, mapa-lokal o dayuhan.

Facebook Comments