Utos ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar sa Manila Police District (MPD) na bantayan ang soft opening ng Dolomite Beach sa Manila Bay na magtatagal hanggang ngayong araw para matiyak na nasusunod ang minimum public health standards.
Sinabi ni Eleazar na ayaw niyang maulit ang nangyari noong nagbukas ito noong nakaraang taon kung saan hindi nasunod ang physical distancing.
Matatandaang natanggal sa pwesto ang isang pulis sa Maynila sa kabiguan na ipatupad ang batas.
Paliwanag ni Eleazar, mahigpit ang bilin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na pigilan ang mga “super spreader events” lalo’t may panganib na kumalat sa bansa ang Delta variant ng Corona virus.
Aniya, kailangang tiyakin ng mga pulis na sumusunod ang mga tao sa pagsusuot ng face mask at face shield at obserbahan ang tamang distansya.
Ito ay para maiwasan ang overcrowding, papayagan lang na maglibot ang mga bisita sa Dolomite Beach ng hanggang 5 minuto Lang.