Software na “Fassster” na nagpapalabas ng mga posibleng kaso at scenario ng COVID-19 sa bansa, ilulunsad ng DOST ngayong hapon

Pormal nang ilulunsad ngayong hapon ng Department of Science and Technology (DOST) ang software na tinatawag na “Fassster” o Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance Using Spatio-Temporal Epidemiological Modeler.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOST Usec. Rowena Cristina Guevarra na isa itong web-based disease surveillance platform na nagpapalabas ng forecast sa mga posibleng kaso at scenario sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Guevarra, sa pamamagitan ng software na ito, matutulungan ang mga lgus sa tamang pagtugon sa COVID-19 cases.


Nabatid na ito rin ang parehong teknolohiya na ginagamit ngayon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na kabilang sa pinagbabatayan sa kanilang rekomendasyon kaugnay sa pag-lift ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa April 30.

Ang Fassster ay idinevelop ng Ateneo De Manila University-Center for Computing Competency and Research, University of the Philippines Manila – National Telehealth Center (UP-NTHC) at Department of Health-Epidemiology Bureau na pinondohan ng DOST.

Facebook Comments