Software na gagamitin para sa 2022 elections, nai-turn over na sa Comelec

71

Naibigay na sa Commission on Elections (Comelec) ng Smartmatic ang final software na gagamitin para sa 2022 elections

Sa ginanap na pagdinig ng Joint Congressional Committee on the Automated Election System, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo, na ang software na ito ay sasailalim sa local source review simula sa susunod na buwan.


Isasagawa naman ang local source code review mula October 2021 hanggang March 2022 upang matiyak na transparent at may accountability ang gaganaping halalan sa susunod na taon.

Sa ngayon, nasa 18 grupo na mayroong 70 reviewers ang nagpahayag na ng pagnanais na makilahok sa review.

Facebook Comments