Iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na walang dahilan ang Senado para madaliin ang panukalang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression and Sex Characteristic (SOGIESC) Bill.
Matatandaang Disyembre noong nakaraang taon ay inilabas ni Senator Risa Hontiveros ang committee report para sa panukalang nagsusulong ng mga karapatan ng LGBTQ community.
Magkagayunman, naharang ang pag-sponsor ng panukala sa plenaryo matapos na makatanggap ng pagtutol ang Mataas na Kapulungan mula sa mga religious groups at iba’t ibang sektor.
Ayon kay Villanueva, hindi kailangang madaliin ang pagpapatibay sa SOGIE Bill dahil wala naman ito sa listahan ng mga priority measure.
Pangalawa pa aniyang dahilan ay may mga miyembro sa Committee on Rules ang nagpadala ng liham at may reservations sa panukala.
Tinukoy pa ng senador ang posisyon ng pitong senador na dapat ang Anti-discrimination Bill ay dapat sakop ang lahat ng sektor at hindi lamang nakasentro sa iisang grupo.