Sogie Bill, malabong makalusot sa Senado

Natapos na ang serye consultative hearing ng Senado para sa panukalang Sexual Orientation and Gender Identity Expression o SOGIE BILL.

Babalangkasin na lamang ang committee report na ipe-presenta sa plenaryo.

Pero tingin ni Senate President Tito Sotto III, hindi makakakuha ng sapat na boto ang panukala.


Nakasentro lamang aniya ang panukala sa iisang sektor kaya labag ito sa saligang batas.

Giit naman ni Sen. Risa Hontiveros, isa sa nagsusulong ng panukala, para sa lahat ang SOGIE Bill.

Mas marami na rin aniya ang sumusuporta rito.

Layunin ng panukala na hindi pagkakaitan ng karapatan ang bawat tao anuman ang sexual orientation nito o gender identity nito lalo na at maraming diskriminasyon ng mga miyembro ng LGBTQ+ Community.

Facebook Comments