Sogie Equality Bill, isusulong sa 18th Congress

Kasabay ng selebrasyon ng Pride Month nanawagan ang ilang grupo sa gobyerno na ipasa ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill o mas kilala bilang Anti-Discrimination Bill.

Ayon sa grupong Save the Children, karapatan ng bawat bata na magkaroon ng ligtas, malusog at free-discrimination childhood.

Nanawagan din ang grupo sa DepEd na panatilihin ang kanilang effort para maprotektahan ang karapatan ng mga LGBT persons sa mga eskwelahan sa pamamagitan ng Child Protection Policy.


Sa kabila naman ng nakalilitong pahayag ni Pangulong Duterte hinggl sa suporta nito sa LGBTQIA community, umaasa ang organizer ng isinagawang Pride March kahapon na uusad sa 18th Congress ang Sogie Equality Bill.

Taong 2000 nang unang ihain sa Kongreso nina late Senator Miriam Defensor-Santiago at Akbayan Rep. Loretta Rosales ang panukala.

Nangako naman sina Senadora Risa Hontiveros at Leila De Lima na isusulong nila ang pagpapasa ng panukala.

Facebook Comments