Manila, Philippines – Nanawagan si Rep. Kaka Bag-ao ng mas pinaigting na panawagan para maging ganap na batas na ang panukalang batas na magtatanggal ng diskriminasyon na ibinabatay sa kaniyang kasirian o sexual orientation.
Ayon kay Bag-ao, panimulang tagumpay pa lamang ang pagkakalusot sa ikalawang pagbasa ng SOGIE Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE)”Equality bill.
Kung mapagtagumpayan aniya na maging ganap na batas ito ay mawawala na ang diskriminasyon sa LGBT makapag serbisyo sa sa private medical o health services, makapasok sa mga educational at training institution
Sa ilalim ng panukala, ang lalabag ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P100,000 pero hindi lalagpas ng P500,000 at pagkakakulong ng isang taon hanggang sampung taon.