Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Agriculture (DA) na paramihin at gawing mas accessible ang pagsusuri ng lupa sa bansa.
Sa pulong sa Malacañang kasama ang ahensya, binigyang-diin ng pangulo ang kakulangan ng mga soil testing center sa Pilipinas.
Sabi ng pangulo, dapat ay mayroong kahit isang soil testing center para sa bawat rehiyon.
Mahalaga aniya ito para masuri ang mga lupang sakahan at matukoy ang eksaktong volume ng fertilizers na kakailanganin.
Hindi rin kasi aniya mapapayuhan ng pamahalaan ang mga magsasaka kung sila mismo ay hindi alam ang eksaktong kondisyon ng lupa.
Nauna nang inirekomenda ng DA ang pagmamapa ng lupa sa mga lugar ng Luzon bilang bahagi ng programa para palawakin ang industriya ng asukal.
Facebook Comments