Manila, Philippines – Mataas ang kumpyasa ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay retired general Dionisio Santiago.
Kung kaya’t inirekumenda niya mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si Santiago sa Bureau of Corrections kapalit nang nagbitiw na si BuCor chief Benjamin Delos Santos.
Ayon kay Aguirre, nagsilbi si Santiago bilang BuCor chief nuong 2003 hanggang 2004.
Sinabi pa nito na kabisado na ni Santiago ang problema sa iligal na droga kung kaya’t umaasa ito na kapag si Santiago ang namuno sa bilibid ay tuluyan nang matutuldukan ang pamamayag ng iligal na droga sa NBP.
Si Santiago ay dating pinuno ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Drug Enforcement Agency at noong isang linggo itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong pinuno ng Dangerous Drugs Board.
Samantala, ipapadala ngayong araw ng DOJ sa office of the President ang irrevocable resignation ni BuCor chief Benjamin Delos Santos.