Manila, Philippines – Sinang ayunan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang pag-iral ng batas militar sa Mindanao.
Ayon sa kalihim may sapat na basehan upang i-extend ang martial law sa Mindanao lalo na’t hindi pa natatapos ang kaguluhan o bakbakan sa Marawi.
Umaasa naman si Aguirre na kakatigan ng kongreso ang martial law extension.
Sa sabado, nakatakdang magdaos ng special session ang kongreso at dito pag-uusapan kung papalawigin pa ang batas militar sa Mindanao.
Una nang sinabi ng palasyo ng Malakanyang na nais nilang i-extend ang martial law sa Mindanao hanggang bago matapos ang taong kasalukuyan.
Facebook Comments