SOJ Remulla, maraming pasabog na gagawin sa Senate inquiry kaugnay ng Degamo killing

Tiniyak ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na marami siyang sasabihin sa Senate inquiry kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Kabilang na aniya rito ang hinggil sa itinatakbo ng kaso at kung ano ang ginagawang aksyon ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Remulla na sa ngayon ay wala pa rin aniyang pahiwatig na susuko si Cong. Arnolfo Teves Jr.


Dahil dito, lumalakas aniya ang indikasyon na guilty ito sa kaso.

Iginiit ni Remulla na alam na rin naman ng Interpol ang kaso laban kay Cong. Teves.

Facebook Comments