Wala sa katwiran ang paratang ni dating Senador Rene Saguisag na tuta ng Pangulong Duterte ang Office Of The Solicitor General.
Ayon kay Sol-Gen Jose Calida, ang naging pahayag ni Saguisag ay taliwas sa asal ng isang abogado.
Ang isang abogado aniya ay dapat may paggalang, tapat at patas sa kanyang mga pahayag at hindi maaaring pairalin ang personal na opinyon sa takbo ng proceedings.
Tila aniya, hindi rin nauunawaan ni Saguisag ang tunay na mandato ng OSG.
Sa ilalim ng Administrative Code of 1987, ang OSG ay tumatayong law office ng gobyerno, at ang Sol-Gen ay ang prinsipal, o pangunahing tagapagtanggol nito.
Maliban na lamang aniya sa iilang limitasyon ng awtoridad nito, tulad ng pagtatanggol sa mga Local Government Units na nasa kapangyarihan na ng legal officers ng LGU’s.
Si Saguisag ang tumatayong abogado ni Senadora Riza Hontiveros, sa kasong sedition na isinampa ng PNP-CIDG kaugnay ng “Ang Totoong Narco-list” video.