
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang sina ACWA Power Chairman Mohammad Abunayyan mula Saudi Arabia, at ang mga pinuno ng Meralco PowerGen Corporation o MGen, para pag-usapan ang patuloy na pamumuhunan sa renewable energy.
Kabilang sa mga proyektong tinutukan sa courtesy call ang MTerra Solar facility, na isang hakbang para matiyak ang maaasahan, at abot-kayang kuryente sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, suportado ng pamahalaan ang lahat ng proyektong magdadala ng malinis, matatag, at mas-abot-kayang enerhiya para sa bawat pamilyang Pilipino.
Kamakailan, pumirma ang MGen at ACWA Power ng kasunduan para sa pag-explore at pag-develop ng renewable energy projects, partikular sa solar power.
Ang MGen ay power investment arm ng Manila Electric Co., habang ang ACWA Power naman ay kinikilalang pinakamalaking private water desalination company sa mundo at pioneer sa green hydrogen technology.









