SOLAR FARM, PLANONG ITAYO SA CAUAYAN

CAUAYAN CITY- Pinaplanong ilunsad ang pagpapatayo ng kauna-unahang solar farm sa Lungsod ng Cauayan.

Watch more balita here: ILANG SAKIT; NAITALA SA BRGY. SAN LUIS DAHIL SA PABAGO-BAGONG PANAHON

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Raymond Calimag, maswerteng napili ng San Miguel Corporation ang Barangay San Luis upang pagpatayuan ng Solar Farm.


Aniya, may lawak na isang libong hektarya ng lupain ang pagtatayuan ng nasabing solar farm kung saan maaari rin itong gawing tourist attraction kapag naisakatuparan ito.

Nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng barangay at San Miguel Corporation na pitompung porsyento na manggagawa sa nasabing proyekto ay magmumula sa Barangay San Luis.

Samantala, kasalukuyan naman ang balidasyon na isinagawa sa proyekto at kapag naapruba ito ay maaari ng masimulan ang pagpapatayo nito sa unang kwarter sa susunod na taon.

Facebook Comments