Manila, Philippines – Pinagbabaril ng labing pitong mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang paligid ng isang malaking solar farm sa Cadiz city Negros Occidental kamakalawa.
Ayon kay Negros Occidental PNP Provincial Director Sr Supt Rodolfo Castil nangyari ang pangugulo ng mga rebelde alas- 10:20 ng gabi noong huwebes pero hindi nakapasok sa loob ng Helios Solar Power Plant ang mga ito.
Wala aniyang naitalang sugatan sa ginawang pamamaril ng mga rebelde ngunit syamnapung piraso ng solar panel board at isang CCTV camera ang nasira.
Narekober din ng pulisya sa lugar ang ilang pirasong live ammunition mula sa ibat ibang klase ng baril, anim na piraso ng empty shells ng m203 grenade.
Sa ngayon nagsasagawa na nang follow up operation ang pulisya at military laban sa mga sumalakay na rebelde.