Patuloy ang pag-arangkada ng Solar Mobile Computer Truck sa mga paaralan sa bayan ng Asingan Para sa layoy na magkaroon ng dagdag na kaalaman sa mga estudyante.
Muli itong bumisita sa iba pang paaralan tulad sa Ariston-Bantog Elementary School at Ariston- Bantog National High School.
Malaking tulong para sa mga estudyante ang pagkatuto sa larangan ng teknolohiya lalo ngayong napapanahon ito at kalimitan na nagagamit sa iba’t-ibang aspekto maging sa pag-aaral.
Sa basic computer literacy training sumailalim ang mga estudyante habang nagkaroon din ng sesyon para sa mga guro na magkaroon rin ng kaalaman sa teknolohiya.
Mahalaga na magkaroon ng kaalaman ang mga ito pagdating sa digital literacy para makasabay sa makabagong teknolohiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









