SOLAR PANELS, NAKATAKDANG IBAHAGI SA LUNGSOD NG DAGUPAN NA MAKAKATULONG SA MGA MAGSASAKA UPANG MALABANAN ANG EPEKTO NG TAG-TUYOT

Humiling ngayon ang lokal na pamahalaan ng Dagupan ng suporta mula sa National Irrigation Administration bilang paghahanda sa nalalapit na panahon ng El Nino.
Mga Solar Panels ang ni-request ng LGU sa pamamagitan ng City Agriculture Office upang may magamit sa patubig ang mga magsasaka sa lungsod.
Ayon kay City Agriculturist Patrick Dizon, kanila nang hinihintay na ipadala ang kanilang mga request nang sa ganoon mabigyan ng solusyon ang problema ng mga magsasaka sa patubig.

Nasa sampung ektaryang sakahan sa lungsod ang mabibigyan ng maayos na patubig sakaling matanggap na ang mga ito kung saan mayroong nasa 178 ang rehistradong mga rice farmers sa siyudad.
Matatandaan na nauna nang nagbigay ng water pumps ang ahensya ngunit dahil sa tagal na nito at nababad sa tubig ay kinakalawang na.
Samantala, activated na at nakahanda na sakaling maranasan na ang epekto ng El Nino sa Lungsod. |ifmnews
Facebook Comments