SOLAR POWER-DRIVEN PUMPS IRRIGATION PROJECTS, ISINUSULONG NG NIA MARIIS DIVISION III

CAUAYAN CITY- Isinusulong ng National Irrigation Administration MARIIS Division 3 ang pagpapatupad ng Solar Power-Driven Pumps Irrigation Projects sa lalawigan ng Isabela.

Layunin nito na mapabuti ang pagpapatubig sa mga sakahan sa bayan ng Gamu, Burgos, Roxas, Isabela, at Alfonso Lista, Ifugao kung saan umaayon ito sa adhikain ng NIA sa paggamit ng sustainable at renewable resources.

Sa pamamagitan nito ay mapapalakas ang produktibilidad ng agrikultura sa rehiyon at magbibigay ng pangmatagalang solusyon sa irigasyon.


Facebook Comments