SOLAR POWER PLANT SA KABUNDUKAN, SANHI UMANO NG PAGBAHA SA ILANG BARANGAY AT BAHAGI NG ROMULO HIGHWAY SA BUGALLON

Idinulog ng mambabatas sa ikalawang Distrito ng Pangasinan sa Department of Environment and Natural Resources ang hindi pangkaraniwang pagbaha na naranasan sa Brgy. Cayanga at Romulo Highway sa Brgy. Bolaoen, Bugallon.

Itinuturo ang solar power development sa nakalagak sa ilang libong ektarya ng kabundukan na sakop ng bayan ang naturang pagbaha na hindi naman umano binabaha noon.

Ayon sa mambabatas, ang silt na mula sa kabundukan ay dumidiretso sa ilog na dahilan kaya hindi na makasalo ng tubig baha at umaagos sa mga kabahayan.

Giit nito ang responsableng paggastos ng kompanya na namamahala sa solar power plant upang linisin ang ilog at pagbisita sa kakayahan nitong pangalagaan ang kalikasan matapos mabigyan ng Environmental Compliance Certificate.

Samantala, nanindigan naman ang lokal na pamahalaan sa kaukulang hakbang upang hindi na muli mangyari ang pagbaha sa bayan para sa kaligtasan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments