Dinagdagan ang mga naipatayong Solar Power Irrigation Systems (SPIS) sa bayan ng Mapandan bilang bahagi ng paghahanda sa darating na El Niño.
Sa panayam ng IFM Dagupan sa Municipal Agriculture Office (MAO), makatutulong sa mga magsasaka ang dagdag na pasilidad sa produksyon ng bigas at mais, lalo na ngayong paparating ang dry season.
Aniya, anim na SPIS na ang naitayo mula noong 2023 kung saan ang SPIS ang naitayo noong 2023, dalawa noong 2024 at apat noong 2025, sa tulong ng National Irrigation Administration (NIA) at mga regional offices.
Bukod sa irigasyon, kabilang sa mga itinayo ang curing barns para sa mga tobacco farmers sa iba’t ibang barangay tulad ng Barangay Amanoaoac, na inaasahang makatutulong sa kalidad ng tabako sa bayan.
Kaugnay nito, nagbigay din ang opisina ng pinansyal na tulong at traktora bilang suporta sa produksyon ng tabako.
Ayon sa tanggapan, bahagi ang mga proyekto ng pagpapalakas ng agrikultura at matugunan ang mga hamon sa produksyon sa bayan ng Mapandan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










