Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan na ang dalawang (2) bagong bukas na Solar Powered Irrigation System na milyong pisong halaga sa dalawang Barangay ng San Juan at San Ignacio, City of Ilagan, Isabela.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ‘Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda’ na pinangunahan ng Department of Agriculture Field Office No. 2
Ayon sa pahayag ni Regional Executive Director Narciso A. Edillo, layunin ng nasabing proyekto na mapalago ang kita ng mga magsasaka dahil hindi na kinakailangan na gumastos pa ng krudo gamit ang kanilang makina sa pagpapatubig.
Aniya, pinagtulungan ng ilang grupo gaya ng Small Water Irrigation Systems Association (SWISA) o Irrigators Association (IA) ang matiyak para sa mas epektibong operasyon nito.
Hiniling naman ni Edillo sa Lokal na Pamahalaan na ipagpatuloy na tulungan ang grupo ng magsasaka para higit na mapaunlad ang kanilang kabuhayan maging sa proseso ng pagbebenta gamit ang makabagong teknolohiya.
Inihayag naman ni City Councilor Jayvee Diaz ang kanyang pasasalamat sa ahensya sa kabila ng pagbibigay ng nasabing proyekto sa mga magsasaka dahil malaking tulong aniya ito para mapababa ang gastusin at manatiling magaan ang trabaho ng mga magsasaka.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang mga opisyal ng nabanggit na barangay sa ahensya maging sa grupo na bumubuo ng irrigation association.
Hiniling din ng mga opisyal na mapalawig pa ang kanilang palay ay vegetable production lalo na sa mga hindi naaabot ng suplay ng tubig.