Matapos sumailalim sa rehabilitasyon ang Solar-Powered Irrigation System sa Inlambo, Pangasinan, balik-operasyon na muli ito mula sa limang taong hindi nagamit na pasilidad ng mga magsasaka.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mapapatubigan ang nasa sampu hanggang labinlimang ektarya ng lupang sakahan na malaking tulong para sa mga magsasaka. Gumagana rin ang naturang gamit kahit lubog sa tubig-baha dahil sa ipinalit na bagong submersible pump.
Nasa halos tatlong milyong piso naman ang pondong inilaan para sa nasabing proyekto.
Inaasahan na muling aarangkada sa pagsasaka ang Inlambo Farmers Association pagkatapos maiturnover ito ng lokal na gobyerno sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









