Sole distributor ng Sinopharm’s COVID-19 vaccine sa Pilipinas, itinanggi ang pagbibigay bakuna sa PSG

Itinanggi ng isang sole distributor ng Sinopharm’s COVID-19 vaccine sa Pilipinas ang pagkakasangkot nito sa umano’y naganap na pagbabakuna ng hindi rehistradong gamot sa hanay ng mga militar partikular sa Presidential Security Group (PSG).

Ayon sa nagpakilalang indibidwal mula sa MKT Group, hindi parte ang kanilang grupo sa namahagi ng bakuna sa PSG.

Habang isa rin ang nagsabi na sumunod sila sa batas sa pamamahagi ng Sinopharm COVID-19 vaccines taliwas sa mga naging akusasyon.


Hindi naman makasagot ang MKT group kung ang Sinopharm vaccine na ibinigay sa PSG ay smuggle tulad ng naging pahayag ni Department of Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Sa ngayon, sinabi ng Sinopharm na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Health (DOH) nitong May 2020 para sa pagsasagawa ng human trials ng kanilang COVID-19 vaccine pero wala pang natatanggap na feedback.

Facebook Comments