Solenn Heussaff, piniling malaman ang kasarian ng baby sa araw ng kapanganakan

84
Instagram/ Solenn Huessaff

Ipinahayag ni Solenn Heussaff na pinili muna nilang hindi malaman ang kasarian ng anak ayon sa kahilingan ng mister na si Nico Bolzico.

Ayon kay Solenn, alam na ng doktor ang kasarian ng magiging anak ngunit gusto nilang malaman nalang ito sa araw ng kapanganakan.


Ibinahagi rin ni Solenn ang naramdaman nang malaman na siya ay nagdadalang tao.

Screenshot via Solenn Huessaff on Instagram

“Siyempre happy. Umiyak ako, nag-hug ako kay ‘Pocholo’. Kasi it’s just me and my dog at home,” ani Solenn.

“But I didn’t tell my parents din until I was almost three months,” dagdag niya.

Hindi niya rin kasama si Nico nang nalaman na buntis siya kaya sinabi niya na lamang ito sa pamamagitan ng telepono.

Ayon kay Solenn, wala pa siyang pinaglilihian at morning sickness ngunit ayaw niya ng lasa ng kape.

Sinabi niya rin na iiwas muna siya sa kahit anumang gimik habang nagbubuntis.

Ikinasal sina Solenn at Nico noong Mayo 21, 2016 sa Combourg, France.

Facebook Comments

From Advertisers