Apat na buwan matapos siyang manganak noong January 1, 2020, ipinakita na ng aktres na si Solenn Heussaff ang mukha ng kanilang anak ni Nico Bolzico na si baby Thylane Katana.
Sa unang pagkakataon ay nagpost si Solenn sa kanyang instagram ng mga picture na ipinapakita ang mukha ni baby Thylane.
Makikita sa picture ang cute na mala-angel na mukha ng sanggol kung saan tila kamukha ito ni Solenn.
Say ni Solenn, patuloy niyang nae-enjoy ang quarantine life sa bahay dahil kay baby Katana.
Nabatid na unang rules ni Solenn ang hindi masyadong pagpo-post sa social media ng mukha ng kanilang anak dahil mas pinag-tutuonan daw nila ng pansin ang pag-aalaga rito.
Facebook Comments