Solenn Heussaff, nabahala sa labis na basura sa lansangan

9

Nababahala na si Solenn Heusaff sa mga nagkikitang nyang pagdami ng basura sa mga kalsada. inilabas ng actress ang kanyang pagkadismaya sa pamamagitan ng Twitter at nakiusap na rin ito sa publiko na ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura.
Aniya, magtulungan daw na mag dispose ng basura ng maayos at iwasan na ang pagsisira sa ating bansa. nalulungkot daw sya na ang isang napakasimpleng bagay ay hindi pa magawa ng ibang tao.


Ipinaalala rin ni Solenn sa kanyang followers na para din sa kinabukasan ng mga kabataan ang tamang pagtatapon ng basura.
Aniya, “Create hope for the future generation. You don’t need to be an [expert] to help. Educate the people around you. People need to seriously wake up!”


Sumang-ayon naman sa pakiusap ni Solenn tungkol sa lumalalang problema ng bansa ang kanyang mga followers sa Twitter.
Maging sina Jericho Rosales at Iza Calsado ay minsan na ring nagpost patungkol sa problema ng basura sa bansa.

Facebook Comments