Solgen Calida, kinumpirma ang planong pakikipagpulong sa kanya ni American lawyer at Martial Law victims legal counsel Robert Swift

Kinumpirma ni Solicitor General Jose Calida na may natanggap siyang impormasyon hinggil sa planong pakikipagpulong sa kanya ni American lawyer Robert Swift.

 

Si Swift ay naging abogado rin noon ng mga biktima ng Martial Law noong Marcos regime.

 

Ayon kay Calida, blangko siya kung ano ang intensyon ni Swift sa pagnanais nitong makapulong siya.


 

Gayunman, bukas aniya siya sa planong pakikipagpulong sa kanya ng American lawyer.

 

 

Una nang napaulat na nais din ni Swift na makausap ang Pangulong Duterte para sa pag-areglo sa Martial Law victims gamit ang 41-million US dollars na ari-arian ng pamilya Marcos sa Amerika na nabawi ng gobyerno ng Pilipinas.

Facebook Comments