Manila, Philippines – Naniniwala si Solicitor General Jose Calida na plano ng mga terorista na i-anib ang buong Mindanao sa ISIS.
Sa ikalawang araw ng oral arguments kahapon, sinabi ni Calida – hindi simpleng krisis ang nangyayaring gulo sa Marawi City.
Giit pa ni Calida – pasok ang mga hakbang ni Abu Sayaff Leader Isnilon Hapilon, Maute Group at mga kaalyado sa kasong rebelyon na isa sa dalawang kundisyon na nakasaad sa konstitusyon bilang basehan ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao at suspensyon ng privilege of Writ of Habeas Corpus.
Iprinisenta rin ni CALIDA ang watawat ng ISIS na narekober sa Marawi.
Sa interview naman ng RMN sa isa sa mga petitioner na si Act Teachers Partylist Representative Antonio Tinio – naging malawak ang deklarasyon ng batas militar na dapat nakatuon lamang sa Marawi.
Ipinunto pa ni Tinio – hindi naman lumaganap ang rebelyon sa buong Mindanao.
Samantala, ipagpapatuloy ngayong araw ang oral arguments sa Korte Suprema.
DZXL558