SolGen Guevarra, ipinagtanggol ang administrasyong Duterte sa isyu ng agawan ng teritoryo

Hindi binalewala pero ibang diskarte lamang ang ginawa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa 2016 arbitral award pabor sa Pilipinas.

Ito ang naging sagot ni Solicitor General Menardo Guevarra sa mga batikos na isinantabi ng nagdaang administrasyon ang Hague Ruling at hinayaan ang China sa pang-aangkin ng teritoryo.

Paliwanag ni Guevarra na noon ay Justice Secretary ni Duterte, iba lamang ang paraang ginamit ng nagdaang liderato sa harap nang hindi pagkilala ng China sa naturang desisyon.


Binigyan diin naman ng Solicitor General na nasa kamay ng bawat Pilipino ang pagsigurong hindi masasayang ang 2016 arbitral award na tumutukoy sa mga teritoryo na sakop ng Pilipinas.

Ito’y sa pamamagitan ng pagboto sa mga lider na magsisikap na ipatupad ang karapatan sa teritoryo sa anumang posibleng paraan.

Facebook Comments