SolGen, hiniling sa Supreme Court na ibasura ang apela ni Pastor Quiboloy laban sa arrest order ng Senado

Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na i-dismiss ang petisyon ni Pastor Apollo Quiboloy na kumukwestyon sa inilabs na contempt, arrest, at detention order ng Senado.

Sa pahayag ng OSG, kung dumalo lamang sa pagdinig ng Senado si Quiboloy ay masasagot nito ang mga katanungan na dapat malaman ng publiko.

Pagkakataon na rin sana ito ng pastor na maipagtanggol ang sarili at maipaliwanag ang kaniyang panig hinggil sa mga akusasyon laban sa kaniya at sa kanilang grupo.


Naniniwala rin ang OSG na hindi malalabag ang mga karapatan ni Quiboloy sa ginagawang pagdinig ng Senado.

Matatandaan na buwan ng Enero ng unang ipatawag ang pastor pero abogado niya ang nagpunta sa Senado.

Ilan beses rin pinadalhan ng subpoena si Quiboloy pero hindi ito pinansin kung kaya’t pina-contempt at ipinapaaresto ito ng Senado.

Maliban sa nasabing arrest order, si Quiboloy ay may kaso rin ng child and sexual abuse sa Davao City Regional Trial Court at reklamong human trafficking sa Pasig City Regional Trial Court.

Facebook Comments