SolGen, tinawag na childish ng oposisyon

229

Tinawag ni Assistant Minority Leader at Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Representative France Castro na “childish” o parang bata si Solicitor General Jose Calida matapos na hilingin sa Korte Suprema ang pagiisyu ng gag order patungkol sa quo warranto case laban sa ABS-CBN.

Sinabi ni Castro na parang bata si Calida na sumasali sa away na pagkatapos ay magtatago naman pala dahil hindi kaya ang mga kritisismo.


Giit ni Castro, ang gag order ay desperate move ni Calida para patahimikin at alisin sa mga Pilipino ang kakarampot na kalayaan na natitira.

Ito rin, aniya, ay direktang pag-atake sa press freedom na kung saan gagawin ng pamahalaan ang lahat mapatigil lamang ang mga kritiko nito.

Matatandaang naghain ng gag order si Calida sa Supreme Court (SC) kaugnay sa quo warranto case ng ABS-CBN upang maiwasan umano ang pagtalakay sa merito ng kaso dahil nasa korte na ito.

Facebook Comments