Itinuturing na second highest-paid official sa gabinete at sa mga opisyal ng Government Owned and Controlled Corporations si Solicitor General Jose Calida.
Ito ay batay sa 2019 Report on Salaries and Allowances (ROSA) ng Commission on Audit (COA).
Noong 2018, nasa ika-anim na pwesto lamang si Calida.
Ang top 10 officials at ang kanilang 2019 earning ay ang mga sumusunod:
- Higinio Macadaeg Jr. (UCPB) = ₱20,475,205.79
- Jose Calida (OSG) = ₱16,952,843.27
- Benjamin Diokno (BSP) = ₱15,450,731.07
- Eulogio Catabran III (UCPB) = ₱15,097,326.13
- Maria Almasara Cyd Amador (BSP) = ₱14,604,660.46
- Chuchi Fonacier (BSP) = ₱14,595,150.67
- Dahlia Luna (BSP) = ₱12,244,273.37
- Ma. Ramona Santiago(BSP) = ₱12,179,712.23
- Edmond Bernardo (UCPB) = ₱11,586,338.43
- Elmore Capule (BSP) = ₱11,421,290.17
Nakapaloob sa ROSA ang salaries, Personnel Economic Relief Allowance (PERA), honoraria, iba pang allowances, bonuses, incentives, benefits, Extraordinary and Miscellaneous Expenses (EME) at iba pang indirect benefits.
Ang kopya ng 2019 ROSA at liham mula kay COA Chairperson Michael Aguinaldo ay natanggap ng Office of the President noong July 15.
May ipinadala ring kopya kina House Speaker Alan Peter Cayetano at Senate President Tito Sotto III.