Binalaan ni Solicitor General Jose Calida ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pagbibigay ng Provisional Authority to Operate sa ABS-CBN Corporation at affiliate nito na ABS-CBN Convergence Inc.
Ayon kay Calida, sa oras na bigyan ng provisional authority ng NTC commissioners ang ABS-CBN corporation na walang congressional franchise, posibleng maharap ang mga ito sa reklamong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.
Malinaw kasi aniyang nakasaad sa ilalim ng saligang batas na tanging ang Kongreso lamang ang may kapangyarihan sa paggawad ng prangkisa sa mga public utilities, tulad ng broadcasting companies, para sila ay makapag-operate sa bansa.
Kasabay nito, inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo guevarra na merong sapat na basehan ang ABS-CBN na magpapahintulot sa kanilang makapag-operate habang hinihintay ang kanilang franchise renewal.
Giit ni Calida, kailangang ng franchise renewal ng isang radio at television network para makapag-operate sa ilalim ng NTC.
Pero may ilan aniyang pagkakataon na pwedeng payagang makapag-operate ang mga ito kahit hindi pa nabibigyan ng franchise renewal.
Ito ay kung matagal na sila sa industriya at patuloy pa rin ang kanilang network at maaga ring naghain ng petition for franchise renewal.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi manghihimasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang magiging desisyon ng NTC hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN.
Hindi kasi aniya maaaring impluwensyahan ng Pangulo ang NTC at hindi rin nito pwedeng pangunahan ang anumang magiging desisyon nito, dahil ibabase lamang sa batas ng NTC ang ilalabas nilang hatol.
Ngayong araw (May 4) ang huling araw ng ABS-CBN corp.’s franchise habang nitong March 17 naman ang ABS-CBN convergence’s franchise.