Solid waste granulator sa mga pumping station, malaking tulong na mabawasan ang mga basura sa Metro Manila ayon sa MMDA

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakahanda ang solid waste granulator sa mga pumping station para mabawasan ang mga basura sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, malaki ang papel na ginagampanan ng solid waste granulator na nasa Vitas Pumping Station sa Tondo, Maynila para maipon ang mga recyclable material mula sa mga naipong basura sa pumping station.

Sa pasilidad na ito, ang mga nakokolektang plastic at biowaste sa mga daluyang tubig na napupunta sa mga pumping stations ay nililinis, pinoproseso at inihahalo sa mga materials gaya ng bricks, eco-hollow blocks, at eco-concrete barriers.


Isa ang solid waste granulator sa mga inilunsad para sa Metro Manila Flood Management Project Phase 1 kung saan kabahagi ang MMDA.

Layunin ng proyektong mabawasan ang pagbaha sa Kalakhang Maynila sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang programa ukol sa solid waste management sa mga komunidad.

Facebook Comments