Planong buuin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Solid Waste Management Department upang siyang mangasiwa sa waste disposal sa lungsod.
Aniya, mas mainam na pangasiwaan ng isang departamento ang paghawak sa waste disposal lalo na ng basura upang tumutok at sumentro lamang ang atensiyon dito.
Sinabi ni Belmonte na ang departamentong ito rin ang titiyak sa kalinisan ng mga sidewalks upang maiwasan ang mga pagbaha kapag umuulan gayundin ang mga ilog na dapat emantine ang kalinisan upang patuloy ang daloy ng tubig at hindi magbara dahil sa mga basura.
Aniya, may ugnayan din ang kanyang tanggapan sa Metro Manila Development Authority (MMDA) upang maisaayos nang husto ang waste disposal sa Quezon City.
Bagama’t wala na aniya ang Payatas dumpsite sa lungsod, marami naman aniyang pamamaraan at programa na naipatutupad ang Quezon City government para dito.