Solid Waste Management Forum, isinagawa sa Dagupan City

Isinagawa sa lungsod ng Dagupan ang kauna unahang nitong forum patungkol sa solid waste management ng lungsod na nilahukan ng lahat ng barangay officials, at mga volunteers.

Sa ibinigay na mensahe ni Mayor Marc Brian Lim na kailangan umano ng 5C’s: cleanliness- na nagsisimula sa bawat tahanan, collection- ito ay ang maayos na pagkolekta sa mga basura, closure- ito ay ang tuluyang pagpapasara sa dumpsite, compliance- ang maayos na pagsunod ng mga residente at cooperation ng bawat isa upang masolusyunan ang problema sa basura ng lungsod.

Samantala, ang forum ay dinaluhan ng mga barangay captains, kagawad, at mga namumuno sa pagkolekta ng basura.


Sa forum ay pinaliwanag ni Philip Matthew Licop, ang Environmental Monitoring Officer ng DENR-EMB Region 1, ang iba’t ibang klase ng basura na lubhang nakakaapekto sa mga kakalsadahan at minsan ay nagiging dahilan ng pagbaha lalo na lungsod ng Dagupan na madalas ang pagbaha.

Naganap din ang open forum na nakapagbigay ng pagkakataon upang makapagtanong at makapag bigay suhestyon ang mga dumalo.

Natapos ang forum sa pamamagitan ng isang pledge of commitment sa tamang solid waste management sa lungsod.

Facebook Comments