Ito ang binigyang diin ni DENR Executive Director Gwendolyn Bambalan ng ilunsad kahapon, August 10, 2022 ang “Pinas Basura Buster”, isang modern day basurero na may “upcycled” na gamit sa paglilinis. Ito rin ang magiging modelo sa mga kabataan na gawin ang tungkulin patungkol sa tamang pagtatapon ng basura tulad ng waste segregation.
Ayon sa kanya, marami pa rin umano ang dapat gawin at malaking hamon pa rin ito sa ahensya at sa mamamayan.
Dahil dito muling ipinaalala ng opisyal na pangunahing responsibilidad ng bawat Lokal na Pamahalaan sa pag-implementa nito.
Mayroon pa lamang aniya kasing 48 na sanitary landfills at 274 material recovery facilities sa 89 na munisipalidad, 4 na syudad at 2,311 na barangay sa buong lambak.
Umapela naman si Bambalan sa EMB at PENRO na tulungan ang mga LGUs na nagre-request ng sanitary landfill para mapabilis ang proseso.
Kasabay nito ang pagpapalabas ng kautusan kung saan inatasan ang mga DENR offices sa hindi paggamit ng paggamit ng bottled water, sa halip ay magdala ng sariling tumbler at mag-install ng water dispenser sa activity area.