SOLID WASTE MANAGEMENT SYSTEM NG MGA URBAN BARANGAYS SA BAYAMBANG, TINALAKAY

Tinalakay sa pagpupulong ng labing isang urban barangay at MENRO Bayambang ang pagpapatupad ng Solid Waste Management System sa kanilang nasasakupan alinsunod sa Republic Act 9003 at ng Local Government Code of 1991

Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga opisyal ukol sa wastong paghihiwa-hiwalay ng basura, maayos na sistema sa koleksyon, pagtatalaga ng Basura Patroller, at pagsusuri sa operasyon ng mga compost pit at material recovery facility sa mga barangay.

Hinikayat din ang mas matatag na koordinasyon ng bawat barangay upang maging mas sistematiko at episyente ang implementasyon ng Solid Waste Management Program ng bayan.

Inaasahan naman ang mas maayos na pamamahala sa basura partikular sa mga urban na lugar at mapataas ang kamalayan ng mga residente sa kanilang responsibilidad sa kapaligiran. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments