SOLID WASTE PROBLEM | DENR, planong ipagbawal na ang paggamit ng plastik sa Boracay

Aklan – Planong ipagbawal na sa isla ng Boracay ang paggamit ng plastik.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, seryoso niya itong ikinokonsidera para maresolba ang lumalalang problema ng basura sa isla.

Ani Cimatu, kapag ipinagbawal na ang single-use plastic products ay masosolusyonan ang solid waste problem maging ang plastic pollution sa isla.


Sa datos ng DENR, 90 hanggang 115 toneladang basura kada araw ang nalilikha sa Boracay.

Mataas ito kumpara sa 30 hanggang 40 toneladang basurang nahahakot sa mainland malay, aklan.

Karamihan sa mga basura sa Boracay ay single-use plastic products tulad ng grocery bags, sipilyo, bote ng tubig, sachet ng shampoo at condiments, soap wrappers at iba pa.

Mula nitong April 26, nagpapatuloy ang anim na buwang rehabilitation ng isla.

Facebook Comments