Magsisimula na sa Pilipinas ang solidarity trial ng World Health Organization (WHO) para sa mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), mga bagong uri ng bakuna ang ilan sa kasama sa clinical trial.
Dahil tumataas naman ang bilang ng mga nabakunahan sa Metro Manila ay pinaplanong gawin ang clinical trial sa Region 3 at 4A habang posible rin sa ibang lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.
Aabot naman sa 15,000 kalahok ang target mabakunahan sa solidarity trial.
Facebook Comments