Solidong Kongreso, kailangan ni Pangulong Duterte sa harap ng bantang impeachment

Kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng solido at matatag na lider lalo na sa Kamara.

Sa harap na rin ito ng bantang impeachment laban sa kanya kasunod ng mga naging pahayag nito sa isyu ng South China Sea Dispute.

Ayon sa Political Analyst na si Ramon Casiple, malaki ang papel na gagampanan ng Kongreso at hindi man animin ng pangulo, dapat na personal pick niya ang maging House Speaker.


Matatandaang nagbanta ang Makabayan Bloc na mangunguna sa pagsasampa ng impeachment complaint laban sa pangulo.

Gagawin umano nilang basehan ang naging statement ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ang pagpayag ng pangulo na mangisda ang mga Tsino sa EEZ ng bansa ay malinaw na paglabag sa konstitusyon.

Isa ang Makabayan Bloc sa mga sinusuyo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para makuha ang boto sa Speakership race.

Sa usapin naman ng term sharing naniniwala si Casiple na nainis si Pangulong Duterte at malaking puntos ang nawala kay Velasco dahil sa pagtanggi niya rito.

Facebook Comments