SOLO PARENTS SA DAGUPAN CITY NA KABILANG SA BAGONG BATCH NG TUPAD BENEFICIARIES, SUMAILALIM SA ORIENTATION

Ang mga bagong batch ng TUPAD beneficiaries, partikular ang mga solo parents sa lungsod ng Dagupan ay sumailalim sa isang orientation.
Ipinaalam sa nangyaring orientation ang kanilang bubunuin na sampung araw para maghatid ng community service gaya ng paglilinis sa mga ilog, creeks at iba pang lugar sa kanilang barangay.
Apat na libong piso o P4,000 pesos ang matatanggap ng bawat isang TUPAD beneficiaries sa kanilang clean-up activities.

Bago nasama ang mga nakasamang solo parents bilang TUPAD beneficiary ay dumaan muna ang mga ito sa profiling at orientation para masunod ang mga guidelines ng Department of Labor and Employment na nagpapatupad ng programa katuwang ang Public Employment Service Office ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments