Solomon Islands – Niyanig Ng Magnitude 6.7 Na Lindol

9

SOLOMON ISLANDS – Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang bahagi ng Solomon IslandsNaitala ang pagyanig sa 10.7 kilometers South Ng Solomon Islands, alas 7:04 ng umaga oras sa Pilipinas.Ayon naman sa US Geological Survey sa karagatan naitala ang pagyanig sa Kirakira City na matatagpuan sa isla ng Makira.Wala namang napaulat na pinsala dahil sa nasabing lindol.Kaugnay nito, pinawi naman ng PHIVOLCS ang pangamba na maari itong magdulot ng pacific-wide tsunami lalo nat malapit ito sa Pilipinas.

Facebook Comments