Solong opisina na sisiyasat sa mga transportation related accidents/incidents, pinaaaprubahan na ng isang senador

Pinamamadali ni Senator Grace Poe ang agarang pag-apruba sa panukalang pagtatatag ng Philippine Transportation Safety Board (PTSB).

Naalarma si Poe sa serye ng mga aksidente sa lansangan na nauwi sa pagkasawi ng ilang motorista.

Layunin ng Senate Bill 1121 na magpatupad ng mga proactive measures upang maibaba o kung hindi man ay tuluyang mawala ang nva aksidente sa kalsada.


Sa ilalim ng panukala, ay magtatatag ng ahensiya na magiging in-charge sa pag-iimbestiga ng mga transportation-related accidents at incidents sa himpapawid, kalupaan at karagatan kasama ang mga railways at pipeline systems.

Magpapatupad dito ng mahigpit na inspeksyon sa mga pampublikong sasakyan, driver’s licensing at training, at safety measures upang maiwasan ang mga aksidente sa lansangan.

Batay sa tala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mula Enero hanggang Nobyembre 2024 ay umabot sa mahigit 62,700 ang banggaan sa kalsada kung saan 332 dito ang nasawi.

Facebook Comments