Manila, Philippines – Kasunod ng pagkakuha ng Pilipinas ng upuan sa UN Human Rights body, determinado ang Dangerous Drugs Board (DDB) na ipakita sa mundo na kayang wakasan ang drug problem sa isang balanced at holistic approach.
Ang DDB ang nagsumite ng mga inputs at recommendations sa anti-drug policies ng gobyerno na naging daan upang mapanatili ang upuan sa UNHRC.
Ayon kay DDB Chairman Catalino Cuy, inaantay na lamang nila ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa implementasyon ng Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy.
Magsisilbing framework of action ito para makontrol na mapasakamay ng mga adik ang droga at maagapan ang kanilang addiction.
Focus ng istratehiya ang supply reduction efforts bilang suporta sa isang aggressive law enforcement sa pagtapos sa drug problem sa bansa.
Tiniyak naman ni Cuy na ang polisiya sa anti-drug ng gobyerno ay nakaangkop sa gustong direkasyon ng UN Secretary General at sa iba pang tratado ng ibang UN bodies.